Hindi ng isang bongga pang beauty pageant na award or miss talent. Yung award na para sa natatanging katangian.
Oo, makokoronahan ako dahil reyna ako. Reyna. Reyna ng mga di nakakaget-over.
Apat na taon na rin ang lumipas since nangyari ang lahat. Ewan ko ba. Alam ko, noon pa, na darating tong panahon na to. Yung oras na maaalala ko ang pinili kong desisyon. Pero di ko alam na mahihirapan ako ngayon. Di ko akalain na ganito ako masasaktan.
Sabi nila, pag nag-confess ka ng pag-ibig mo o paghanga sa isang tao at iniwasan ka niya, ibig sabihin, di ka niya gusto.
Sa kaso ko, hindi totoo yun.
Nung una kong makita si Bravo, nagtatalon ako sa tuwa at kilig. Eh pano ba naman, kamukhang kamukha nya matching hairstyle at looks yung crush na crush ko na celebrity at that time. Pasimple ko pa nga siyang tinitingnan nun, akala ko kasi yun na ang huli naming pagkikita.
Yun pala hindi. Sa dami ng mga estudyante na nagpamedical noon, akalain mong magiging kaklase ko pa pala siya? Naloka ako at napahiya sa mga sulyap sulyap ko. Hay naku, if I know, feel na feel nya na na super crush ko sya. Unti lang naman. Hahaha. Ganun kasi ako, pabugso-bugso. Kapag nakita ko yung crush ko, ayun, kilig. Pero pag di ko na nakita, forget na. Kahit nga pangalan wala akong paki. Ang alam ko, naku-kyutan o nababaitan ako sa crush ko kapag nakikita ko at yun na iyon. Pero sa oras na nakita ko na feelingero ang sinumang crush ko at kahit sinumang nagmamagandang lalaki (kahit gwapo pa talaga sila), ayun, turned off na ko at wala na akong pakialam. Never talaga akong naimpress sa pagpapahangin ng mga lalaki.
Okay na sana si Bravo, looks, intelligence, kaso sumabit sa personality. Mayabang siya. Maere. Hindi naman sa salita sya nagyayabang pero sa asta lang nya. Anong tawag don? Ma-angas. Talagang ang taas ng noo niya. Kaya first day ng klase at pumasok sya sa room dala ang pagkaere niya, ayun. Biglang bagsak ng crush factor ko sa kanya.
Wala siyang tinabihan na kaklase at wala rin siyang kinakausap. May sarili siyang WORLD. At ibig sabihin ko dun, sya yung makikita mong naglalakad mag-isa at naka-headset.
Lumipas ang mga araw, at nagstart na ang mga classes namin. Isang subject, sa kaswertehan ko, katabi ko sya. Akalain mo nga naman.
Ako yung tipong super friendly. Kasama na din ang super daldal at super kulit. Pero nung first day na nagkatabi kami, di ko sinubukan ang powers ko sa kanya. Ayokong magsalita o lumingon man lang sa direksyon nya. Ayokong mangielam sa kanya. Sa totoo lang, natatakot ako sa kanya. Baka kasi pag kinausap ko sya, mapahiya lang ako at sagutin niya pa ako ng pagka-konyo niya. No, thanks. Not worth my embarrassment. Marami naman akong makakausap para libangin ang sarili ko. At mukhang masaya naman siya sa company niya na walang iba kundi sarili niya. At hinayaan ko lang sya sa ganun.
After few or many days, isang araw, di sya mapakali sa upuan niya. Syempre naoobserve ko kasi panay ang likot nya at pagkalikot sa phone niya. Hanggang bigla na lang sya nagsalita. Inaaway niya ang cellphone niya dahil nagloloko raw at walang silbi. At dahil madaldal ako, di ko napigilan magcomment.
"Baka naman nasosobrahan na sa gamit? Panay cellphone ka lang kasi."
"Baka gustong magpahinga kasi panay daw ang gamit mo kakatext mo sa girlfriend mo. It deserves naman a break."
"Fine. Mag-break muna siya but excuse me, wala akong girlfriend."
"Weh. Kunwari ka pa, eh wala ka ngang ibang ginagawa kundi magtext eh tapos wala kang girlfriend. Sus."
Sinagot niya ako. Sabi niya nabasa daw kasi sa cr ang cellphone niya. Sabi ko sa kanya, pati ba naman kasi sa cr dinadala mo pa ang cellphone, eh may tendency yang ma-laglag sa tubig or ma-shoot sa toilet. Sumagot pa rin sya, pinatuyo niya na daw at kelangan daw magamit niya ang cellphone niya. Purpose daw ng cellphone niya yun, at wala ng excuse don. Sinabi ko na lang kung anong observations ko.
"Baka gustong magpahinga kasi panay daw ang gamit mo kakatext mo sa girlfriend mo. It deserves naman a break."
Hindi ko alam kung anong meron sa utak ko at parang ang lalim ng pinagsamahan namin ng cellphone niya at mas friends pa kami kesa sa kanya. Ewan ko talaga. May topak lang rin ata talaga ako. Akala ko tatahimik na sya pero kagaya ko rin pala syang mahilig magcomment at hindi nagpapatalo.
"Fine. Mag-break muna siya but excuse me, wala akong girlfriend."
By the way he fiddles his phone, at kung magtetext-text, wala daw girlfriend. Sus. At dahil halos kasing bilis ng isip ko ang bibig ko, nagulat na lang ako at lumabas na lang sa bibig ko ang mga katagang ito.
"Weh. Kunwari ka pa, eh wala ka ngang ibang ginagawa kundi magtext eh tapos wala kang girlfriend. Sus."
Kung magsalita ako akala mo close kami, no? Nalimutan kong halos di ko nga pala kakilala ang kausap ko. Nakakahiya, assuming na, sure na sure pa ako kung sumagot. Napatigil na lang ako. At hinintay kung anong isasagot niya sakin na ikapapahiya ko.
1 comment:
Kung sinumang mapapadaan sa pahina ko, naway magbigay kayo ng komento sa mga nasusulat ko. ^^,
Post a Comment